3 barangay sa Daraga, Albay, nagsagawa ng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa

LEGAZPI CITY – Nagsasagawa ng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa ang Municipal Agriculture Service Office (MASO) ng Daraga, Albay sa tatlong mga barangay nito.

Ayon sa tanggapan, umabot sa 537 na mga nabanggit na hayop ang binakunahan laban sa rabiesm sa mga barangay ng Canarom, Busay at Lacag.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Layunin ng aktibidad ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan kontra rabies.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ayon din sa MASO, ngayon araw ay isasagawa rin ang kaparehong aktibidad sa Brgy. Kiwalo, kung kaya’t panawagan nito sa mga pet owners na makipag-ugnayan sa mga barangay o purok leader para sa pagbabakuna ng mga alagang hayop.