DFA, tiniyak na mamadaliin ang paghahanap sa isang missing OFW

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na mamadaliin na nito ang paghahanap sa ilang overseas Filipino workers na nawawala noong pang Disyembre ng nakaraang taon.

Tugon ito ng DFA sa ulat ng pagkawala ni Joel Tambal, isang OFW na unang napa-ulat na pinadala sa isang Chinese fishing vessel, imbis na sa original deployment nito sa isang Korean company.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa isang tweet, inatasan ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin si Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay na kaagad itong aksyunan.

Ayon kay Locsin, dapat ay ma-aksyunan ito nang walang ‘excuses’ at walang katamaran.

Kinakailangan aniya ng mabilisan at konkretong resulta hinggil sa pagkawala ng ating kababayan.

Sa ngayon, kinumpirma ni Dulay na tuluy-tuloy ang mga hakbang ng kanilang opisina para hanapin ang mga ito.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nakikipag-ugnayan na raw sila sa mga concerned agencies at na-trace na ang mismong Singaporean vessel owner ng mga nawawalang OFWs.

Una nang nakumpirma na nasuspinde na ang recruitment agency nina Tambal na maka-ilang ulit na raw nasangkot sa mga labor violations.

#