CAMARINES NORTE – Bumagsak ang deworming accomplishment ng Camarines Norte sa unang round noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Provincial Health Office umabot lang sa 182, 172 o 70. 19 % ang na- deworm sa target na 259, 544.
Malaki ang ibinagsak nito kumpara sa 93 % sa kaparehong panahon noong 2022 at mayroon pa ngang mga bayan na lumagpas pa sa target.
Gayunman nananatiling nangunguna ang Camarines Norte sa may pinakamataas na accomplishment sa buong Bicol Region sa nakalipas na anim na taon.
Noong 2023 sinundan ang Camarines Norte ng Albay na nasa 50. 14 % accomplishment habang nasa 49. 56 % naman ang Camarines Sur.
Pinakakaunti ang mga batang napurga sa Catanduanes na nasa 24. 45 % lang.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Integrated Helminth Control Program (IHCP) Program Coordinator Benjamin Palma ang mga magulang na ipa- deworm ang kanilang mga anak para na rin sa kanilang kalusugan.
Ang mga dapat magpa- deworm ay ang mga batang 1- 19 taong gulang gayundin ang mga buntis.
Bukod sa mga bata, prioridad din ng PHO na i- deworm ang mga food handlers sa mga restaurant, karinderia maging ang mga ambulant vendors.
