Provet at MAO nagsanib pwersa para hulihin ang mga asong pagala-gala sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Hinuli ng mga tauhan ng Provincial Veterinary office ( ProVet) katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) at mga opisyal ng Barangay ang mga pagala- galang aso sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte partikular sa Barangay 1.

Ayon sa Municipal Information Office, bahagi ito ng mas pinaigting na anti- rabies awareness campaign ng lokal na gobyerno.

Pahayag ng LGU, halos araw- araw umano ay may mga nadadalang pasyente sa paggamutan dahil sa kagat ng aso at pusa na nakakabahala lalo’t ang rabies ay nakamamatay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nanawagan rin ang LGU sa mga nag- aalaga ng hayop na regular na pabakunahan kontra rabies ang mga alaga para makaiwas sa problema.

Batay sa datos ng Provincial Health Office, tumaas pa lalo ang kaso ng  animal bite sa lalawigan ng Camarines Norte na karamihan ay kagat ng aso.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umabot ito sa 16, 234 noong 2023 na pinakamataas sa nakalipas na apat na taon.

Noong 2022 nakapagtala ang lalawigan ng nasa 11, 609 animal bite cases na mas mataas din sa 9, 941 noong 2021 at sa 6, 392 noong 2020.

Kaugnay nito ay hinimok ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang mga LGU na i- revisit ang kanilang ordinansa patungkol sa responsible pet ownership.