Derek at Ellen, ikinasal na

Nagpalitan na ng “I do’s” sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isang mountain resort sa Bataan nitong November 11.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan, kung saan ay imbitado sa pagtitipon ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Read More:  Ate Gay’s family announces wake and funeral details

Present rin sa kasal ang pamilya ni Dra. Vicki Bello habang nagsilbi naman flower girl si Olivia Ines na anak ni Beauty Gonzales.

Naging ring bearer naman ang anak ni Ellen na si Elias Modesto.

Read More:  Jinkee Pacquiao turns backlash over umbrella incident into joke

Suot ni Adarna ang isang puting gown ni dinisenyo ni Marc Rancy habang suot naman ni Ramsay ang kaniyang Bianca Cordero suit.

Mababatid na ikinasal ang celebrity couple matapos nilang kumpirmahin ang kanilang relasyon siyam na buwan na ang nakararaan.