NAGA CITY- Gumaaan na ang quarantine classification sa Naga City gayundin sa Maynila kung kaya inaasahan ng Bicol Central Station ang pagdagsa ng mga pasahero lalo pa ngayong paparating na pasko.
Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado na handa sila sa ganitong sitwasyon at handa naman talaga sila sa anumang okasyon lalo pa may maaayos na koordinasyon ang terminal sa lokal na pamahalaan ng Naga at sa mga bus company.
Ibinahagi rin ni Reforsado na may mga kompanya na ng bus na nagdagdag ng biyahe tulad ng Bicol Isarog, DLTB and Raymond Transport, Inc. (see biyahe: https://www.facebook.com/knowknoi/posts/10215791367136983)
Aniya dati kasi isa lamang ang daily trip ngayon ay nagdagdag na ng tig-iisa pang biyahe iba pa ito doon sa dating naka schedule na every 2 days. Kung kailangan aniya ang dagdag na bus, handa ang mga bus companies na magdagdag ng unit dahil mayroon namang special permit.
Sa guidelines ng Health Emergency Response Task Force kung sasakay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX papunta sa Bicol Central Station ang galing sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions o Alert Level 3 at GCQ o Alert Level 2 na fully vaccinated at asymptomatic magdala ng Vaccination Card and Identification Card. Exempted din sa 14-days quarantine.
Para sa hindi bakunado at partially vaccinated, ipapakita ang negative test result ng RT-PCR o Antigen with 48 hours validity.
Ngunit ang uuwi na mula sa Modified Enhanced Community Quarantine o Alert Level 4 at ECQ o Alert Level 5 ay kailangan pa ng negative test result ng RT-PCR o Antigen with 48 hrs validity at ID.