Covaxin, ‘highly efficacious’ ayon sa ilang pag-aaral

Inihayag sa isang pag-aaral na nai-publish sa Lancet na “highly efficacious” ang Covaxin na kauna-unahang COVID-19 vaccine na gawa sa India.

Sinabi sa ulat na epektibo ang Covaxin laban sa laboratory-confirmed symptomatic COVID-19 disease sa adults.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Dagdag nito, “well tolerated” ang bakuna, habang wala rin safety concerns ang naobserbahan sa interim analysis.

Noong nakaraang linggo ay nakakuha ang Covaxin ng Bharat Biotech ng emergency approval mula sa World Health Organization at cleared na rin ito sa 17 bansa.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ipinunto ng UN body na “extremely suitable” ang Covaxin para sa mga low at middle income countries dahil sa madali nitong storage requirements.