Deployment kaugay ng police visibility at police presence sa Naga City, malaking hapon sa station commanders-ncpo

NAGA CITY- Malaking hamon para sa mga Police Station Commanders ang deployment para sa police visibility at police presence.

Ito ang sinabi ni PLTCOL Dario Sola, Deputy City Director for Operation sa pagharap sa media nitong lunes.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Sola, kapag sinabing police visibility nakikita ang mga pulis sa isang lugar, ang police presence naman nakikita na nararamdaman pa. Halimbawa nito ang mga random check points at iba pang aktibidad sa komunidad.

Challenge aniya sa mga commander kung papaano ito didiskartehan. Kailangan magpasa ng linggohang deployment plan ang bawat himpilan, iniikutan naman ng NCPO kung nasusunod ang deployment plan halimbawa sa foot at mobile patrol. May mga pagkakataon aniya na sabay-sabay, kailangan sa iisa o magkakahiwalay na lugar na sakop ng isang police station.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community