PRIZE FREEZE SA MGA PANGUNAHING BILIHIN, IDINEKLARA MATAPOS ISAILALIM SA STATE OF CALAMITY ANG CAGAYAN

Mahigpit na ipinapatupad ang Price Freeze sa mga pangunahing bilihin sa Cagayan matapos ideklara ang State of Calamity dahil sa laki ng pinsala bunsod ng nagdaang bagyong Egay.

Ipinaliwanag ni Lourdito Antonio ng DTI- Cagayan Consumer Protection Division na agarang ipinapatupad ang prize freeze sa oras na idineklara na ang state of calamity.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Hindi maaring itaas ng mga negosyante ang mga presyo ng basic necessities and prime commodities sa DTI suggested retail price.

Kabilang sa mga basic necessities ang bigas, karne ng baboy, manok, gulay, bottled water, at iba pa.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ito ay alinsunod sa Price Act o Republic Act 7581 ng Department of Industry.

Saad din ng opisyal na ang mga lalabag sa nasabing Price Act ay may kaukulang multa o kaparusahan.