Kinikilala na ngayong kabilang sa Teves Terrorist Group si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnie Teves, matapos na ideklara silang terorista ng Anti-Terrorism Council o ATC.
Kasamang idineklarang terorista ang kapatid nito na si Pryde Henry Teves at sampung iba pa na taga suporta ng kongresista.
Kasunod ito ng inilabas na resolusyon number 43 ng ATC, kung saan nakasaad na nilabag umano ng grupo ni Teves ang section 4, 6,10 at 12 ng Anti-Terrorism Act.
Mababatid na si Congressman ang itinuturong mastermind sa paglusob at pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Samantala sa Teves Terrorist Group, kabilang rin sa mga idineklarang terorista sina Hafida Romato Maute at Nahara Khairiya Sittie Hamim ng Maute group.