DepEd, nagdagdag ng 20 private schools para sa mungkahing pilot face-to-face classes

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na isinama nila ang 20 private schools sa inisyal na listahan ng 100 public schools kung saan isasagawa ang mungkahing pilot testing ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, halos patapos na ang ilalabas na joint guidelines ng kanilang ahensya kasama ang DOH para sa pagsasagawa ng pilot face-to-face classes.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi naman ni Malaluan, na hindi pa nila natukoy ang mga private schools na ito.

Sa gitna nito, nasa kamay parin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na desisyon kung papayagan ang naturang proposal.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Matatandaan na noong nakaraang buwan, hinimok ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang gobyerno na mag-resume sa in-person classes, dahil limang bansa nalang kabilang na ang Pilipinas ang hindi pa muling nagbubukas ng kanilang mga paaralan simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Giit ng UNICEF, ang karapatang matuto ng ng 27 million Filipino students ay apektado ng patuloy na closure ng mga paaralan dahil sa pandemya.