Nanawagan ang grupo ng mga doktor sa gobyerno na magpatupad ng mas permanent approach sa kanilang pandemic response strategies, sa gitna na pressure na ang mga health workers sa tumataas na bilang sa kaso ng coronavirus.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, ang “emotional burden” na nararamdaman ng mga health workers sa pag-aalaga sa mga COVID-19 patients.
Ito ay maliban pa umano sa emotional burden na nakikita ang mga pasyente na namamatay sa kabila na ginagawa naman umano nila ang lahat.

Binigyang diin ni Limpin na ang panawagang “timeout” o stricter community quarantine ay makakapagbigay sa kanila ng pahinga, pero ang mas “permanent solution” ay ang magandang containment procedures at data collection, at proper coordination sa mga lokal na pamahalaan ay mas mahalaga.