Chinese govt, PNP, pag-uusapan ang pagbabalik ng ‘China Desk’ sa PH

Muling bubuhayin ng mga opisyal ng Chinese at ng Pilipinas ang pagbabalik sa “China Desk” sa mga opisina ng Philippine National Police,

Ang naturang proposal ay una nang nabasura matapos na ulanin ng mga batikos, dahil umano sa pagbibigay ng special treatment sa mga Chinese.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Kaugnay nito, nakipagpulong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kay Public Security Vice Minister Wang Xiaohong at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para talakayin ang mga hakbang para mapalakas ang law enforcement at matugunan ang transnational security concerns na nakakaapekto sa dalawang bansa.

Sa naturang pulong, tinalakay ang mga updates sa panukalang paglagay ng China Desks sa PNP offices na tutugon sa mga concerns kaugnay sa proteksyon ng mga overseas Chinese nationals at organizations.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Matatandaan na noong 2020, iminungkahi ni dating PNP chief Gen. Archie Gamboa ang ideyang bumuo ng help desks para sa mga Chinese dahil sa tumataas na kaso ng kidnapping at extortion kasunod ng pagtatayo ng offshore gaming operations sa Pilipinas.