DepEd, magpapatupad ng sanctions vs nasa likod ng gaffes sa mga modules

Nangako si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na magpapatupad ng kaukulang parusa laban sa mga responsable ng erroneous modules, matapos ang mungkahi ni Vice President Leni Robredo na maglagay ng “system” para sa modular gaffes.

Una nang sinabi ni Robredo, na maiiwasan sana ang mga errors sa modules na makarating sa mga paaralan at estudyante kung mayroong proper system na nakalatag.

Nagpapasalamat naman si Briones sa naging komento ng vice president, at sinabing ang naturang pangyayari ay naresolba na.

Pero para sa opisyal panahon na kung kailangan talaga magpataw ng kaukulang parusa laban sa mga nagkamali.

Inihalimbawa nito ang 22-anyos na guro sa Zambales na pinarusahan dahil sa pag-gawa ng module na mayroong ‘dirty names’ na nagresulta ng pagbibitiw sa serbisyo ng naturang guro at pagbibigay ng written apology. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *