Ibinahagi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na nagkausap na sila ni Senate President Chiz Escudero hinggil sa paparating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa nasabing pag-uusap ay natalakay umano nila ang mga Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priorities ng Pangulo kung saan kabilang na rito ang Value Added Tax (VAT) refund para sa mga turista.
Samantala, umaasa naman si Pimentel na mababanggit ni Marcos sa kanyang SONA ang mga napaglaanan ng pondo noong 2023-2024 at maging ang kanyang naging achievements lalong lalo na sa housing at agrikultura.
Sa kabila nito, hindi naman umano sinasara ng senador ang pagsasagawa ng kontra SONA kung sakaling may makita silang mga kwestyonable sa magiging talumpati ng Pangulo, ngunit kung kakaunting puna lang naman ay posibleng maglalabas na lang umano sila ng maikling pahayag.