DepEd: hindi mandatory sa mga pribadong paaralan na magbago ng school calendar

Nilinaw ng Department of Education na malaya ang mga pribadong eskwelahan na i-adjust ang kanilang academic calendars at sumabay sa pampublikong paaralan para sa unti-unting pagbabalik ng June-March school year.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ginawa ng ahensya ang paglilinaw kasundo ng issuance ng Department Order 003 na nagtatakda sa pagtatapos ng school year 2023-2024.

Ayon sa DepEd ito ay para sa unti-unting pagbabalik ng lumang school calendar na ang April-May ay summer vocation.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na may ilang pribadong eskwelahan ang nagbukas ng kasalukuyang academic year na Hulyo o Hunyo noong nakaraang taon.