DepEd-12, may checklist sa mga paaralang gustong magsagawa ng limited face-to-face

KORONADAL CITY — MAYROONG mga checklist na ibinibigay ang Department of Education o DepEd Region-12 sa mga paaralan na gustong mag-apply sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes pribado man o pampubliko.

Ito ang inihayag ni Deped-12 Information Officer Antonio Maganto sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon kay Maganto, kailangan na magpadala ng letter of intent ang mga paaralan na gustong magsagawa ng limited face-to-face classes.

Ngunit nilinaw ni Maganto, na naka-dependende pa rin sa mga local government units o LGUs kung papayagan nila ang mga paaralan sa pagsasagawa nito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Inihayag ni Maganto, na Department of Health o DOH padin ang magdedeklara kun maaaring makapagsagawa ng face-to-face classes ang isang paaralan o hindi.

Kailangan din umano na mapanatili ang pagsunod sa health protocols laban sa Covid-19.