Mga nabakunahan sa National Vaccination Days sa Bicol, umabot sa 54% ng target

BICOL—Umabot sa 54% ng target ang mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa ginanap na tatlong araw na Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days sa Bicol region.

Base ito sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health (DOH) Bicol kanianang alas 11:00 ng umaga.

Pero nilinaw ng ahensya na partial pa rin ang bilang na ito dahil may mga LGU na extended ang bakunahan hanggang ngayong araw.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa kabuuan, umabot sa 623,978 na indibidwal ang mga nabakunahan sa rehiyon mula sa target na 1,152,952.

Sa mga itinakdang target kada probinsya, pinakamataas ang naabot ng islang lalawigan ng Catanduanes na umabot sa 91% o katumbas ng 40,387 na nabakunahan mula sa target na 44,486.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang Camarines Sur ay nakapagbakuna ng 60% o 230,066 indibidwal mula sa 380,322 na target; 55% sa Albay o 136,997 mula sa target na 247,863; 54% sa Sorsogon o 86,940 mula sa 160,753 target; 44% sa Camarines Norte o 54,016 mula sa 123,266 na target at 39% naman sa Masbate o katumbas ng 75,572 na nabakunahan mula sa 196,262 na target vaccinees.### | slm