Illegal small-scale mining sa So.Cot, humina na

KORONADAL CITY- HUMINA na ang illegal small-scale mining activities o banlas sa lalawigan ng South Cotabato.


Ayon kay Provincial Environment Management Officer o PEMO Seigfred Flaviano na dahil sa mas pinaigting na monitoring at law enforcement operation ng kanilang tanggapan at Task Force Against Environmental Crimes, wala na silang namomonitor na nagsasagawa ng major illegal mining activities, at kung mayroon man, ito aniya ay kaunti na lamang.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station


Ayon sa opisyal na karamihan sa mga small-scale miners sa lalawigan lalo na sa T’Boli ay sumusunod na sa mining regulations at tumutulong sa pagsugpo sa illegal mining activities.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026


Inihayag ni Flaviano na ginawa nilang requirement sa pagbibigay ng permit sa mga miyembro ng Minahang Bayan Associations ang pagmonitor ng mga ito sa banlas mining.


Maliban sa T’Boli, may namonitor din noon ang PEMO na ilegal na pagmina sa bayan ng Tampakan.