Department of Agriculture Bicol planong magtatag ng isang grow-out nursery at greenhouse with hydroponics system sa Catanduanes

BNFM Bicol-PLANONG magtatag ng isang grow-out nursery at greenhouse with a hydroponics system ang Department of Agriculture o DA Bicol sa islang probinsya ng Catanduanes sa kanilang National Urban and Peri-Urban Agriculture Program.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Catanduaanes ay maglalaan ng 250 sq. m para sa nasabing proyekto na popondohan ng aabot sa 988 thousand pesos para sa greenhouse at 600 thousand pesos naman sa nursery. Naglalaman din ito ng 1,200 na piraso ng hydroponics cup at foam/media.

Samantala sa oras na mai-turn over ito ng DA ang Provincial Agricultural Services Office o PASO ng naturang probinsya ang naatasang mag-operate nito sa loob ng 15 taon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *