NBA FINALS: Celtics namumuro na sa NBA Championship, 3-0 na vs Dallas

Namumuro na ang Boston Celtics para makuha ang ika-18 NBA title matapos talunin ang Dallas Mavericks sa Game 3 ng kanilang NBA final series sa score na 106-99.

Napigilan ng Boston ang comeback attempt ng Dallas nang burahin nito ang 21-point lead at maibaba ito nang hanggang tatlong puntos sa natitirang apat na minuto ng laro.

Hindi na rin nakatulong si Luka Doncic na makumpleto ang sana’y come-from-behind run dahil na fouled out na ito sa huling 4:10 ng laro.

Humakot si Doncic nang 27 points, 6 rebounds at 6 assists.

Bagama’t naging maganda ang laro ni Kyrie Irving sa kanyang 35-point performance naghihingalo pa rin ang Dallas para makuha ang panalo.

Sa panig ng Boston muling nagtulong ang kanilang dynamic duo na sina Jaylen Brown at Jayson Tatum na bumuslo ng 61 combined points.

May tiyansa ang Celtics na masungkit ang NBA championship sa Game 4 na gaganapin sa Sabado, June 15, sa home court ng Mavericks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *