1st Regional Committee on Disability Affairs, pinangunahan ng DSWD Bicol

BNFM Bicol-ISINAGAWA ang kauna-unahang Regional Committee on Disability Affairs ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol.

Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang mga representante mula sa mga ahensya ng pamahalaan at sector ng PWD. Highlight sa naging pagtitipon ang pagpapalakas ng mga programa sa sektor ng PWD.

Binibigyang-diin ang dedikasyon ng Departamento sa pagpapahusay ng buhay ng mga PWD sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at inisyatiba na mismong ang Regional Programs Coordinator ng National Council on Disability Affairs na si Delfina J. Baquir ang nagbahagi. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *