DENR misyon umanong makatuwang ang bawat isa sa pangangalaga sa wildlife species.

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nais nitong makatuwang ang bawat isa sa pangangalaga at pag protekta sa mga  ildlife species.

Ayon kay PENRO Officer Marlon Francia, magkakaroon ang kanilang opisina ng pamamahagi ng mga information materials upang lalo pang pataasin ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng buhay ilang at ang papel ng mga ito sa mundo.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Misyon umano ng opisina na hindi lang maging aware ang mga tao sa kahalagahan ng mga buhay ilang kundi makatuwang ang mga ito sa pag protekta sa kanila.

Sa Sabado, March ay ipagdiriwang ang world wildlife day.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nasa isla ngayon ng Apuao sa bayan ng Mercedes ang ilang DENR personnel para magsagawa ng survey sa population ng paniki o flying foxes.

Nagiging tourist attraction na rin kasi ang lugar dahil sa flying foxes.

Kasabay aniya nito ay ang information dessimination sa mga residente sa lugar.