DOH Bicol, ipinaliwanag sa pagkaantala ng pagbaba ng karagdagang COVID-19 vaccine sa Naga City para sa 5-11 anyos

NAGA CITY- Ipinaliwanag ng Department of Health Bicol kung bakit naantala ang pagbaba ng karagdagang bakuna laban sa COVID-19 para sa mga edad 5-11 anyos sa Naga City.

Sa unang dalawang araw ng bakunahan sa Naga simula Pebrero 21, 900  lamang ang allocated reformulated Pfizer.  Ayon kay City Events Protocol and Public Information (CEPPIO) Chief Allen Reondanga 33K ang target na bakunahan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sinabi ni Dr. Lulu Ramos-Santiago, Emerging and Reemerging Infectious Diseases Coordinator ng DOH Bicol, mayroong bakuna sa kanilang storage facility subalit walang katiyakan kung sa loob ng 21-araw darating ang supply para sa second dose sa nasabing age group. Hinihintay ng DOH ng release documents mula sa National Vaccine Operation Center.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Tuloy-tuloy ang paglista sa mga barangay ng mga nais magpabakuna. Hanggang ngayong araw Marso 4, Senior Citizen pa ang prayoridad.