BATANGAS CITY- Inihayag ng Department of Environmental and Natural Resources o DENR CALABARZON, na patuloy ang kanilang ibinibigay na suporta para sa pangangalaga ng kapaligiran sa buong rehiyon.
Katuwang nila ang Environmental Management and Mines Geosciences Bureaus at mga Provincial at Community ENR sa paglalatag ng mga programa.
Naglaan na rin anila ang DENR CALABARZON ng nasa kulang-kulang na dalawang bilyong halaga ng pondo para sa taong 2022 hanggang ngayong 2024.
Ito ay para ipatupad ang iba’t ibang proyekto, katulad ng 29% para sa proteksyon ng mga kagubatan, 29% para sa konserbasyon ng pook, kweba at latian.
Kabilang din dito ang 22% para sa proteksyon ng yaman sa mga baybayin at mga karagatan at 20% para sa pagsulong ng mga epektibong pamamahala sa mga kalupaan.
Samantala, binigyang diin din ng DENR CALABARZON na patuloy ang kanilang paglalatag ng mga proyekto para sa kagandanhan ng mga kalikasan.