BATANGAS CITY- Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas kahapon, katuwang ang Department of Environmental ang Natural Resources o DENR CALABARZON, ibinida nila ang mga napagtagumpayan nilang proyekto sa mga nakalipas na taon.
Kabilang sa kanilang ipinagmamalaki ay ang naitatag nilang nasa mahigit isang daang libong ektaryang National Greening Program Plantation.
Anila, mula taong 2011 hanggang 2023 ay nasa mahigit isang milyon na iba’t ibang uri ng punla ang naitanim sa buong rehiyon.
Mahigit 4,000 na ektarya naman ng graduated NGP sites ang na-adopt ng pribadong sektor at iba’t ibang organisasyon sa ilalim ng Tayo ang Kalikasan Program
Nabatid na ang NGP ay isa lamang sa mga programa ng DENR, na naglalayong maisulong ang climate change mitigation at mabigyan ng alternatibong trabaho ang mga Pilipino.