NAGA CITY –Unti-unting umaabante ang pagpatupad ng Safe Spaces Ordinance, O ang Ordinance No. 2023-107 na local version ng Bawal Bastos Law sa mga barangay, mga eskuwelahan at maging sa mga opisina sa Naga City mula ng maging ganap na ordinansa noong Nobyembre 28,2023.
Sa pahayag niya sa Brigada News FM Naga, pinaliwanag ni City Councilor Gayle Abonal-Gomez na siyang chairman ng Committee on Women and Gender Development sa konseh ay may-akda ng ordinansa na may mga orientation na silang ginagawa sa pamamagitan ng kanilang mga kliyente sa Bantay-Familia, Naga City Council For Women at maging sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panlegal para mas lalo pang maintindihan ang ordinansang ito at kung kanino lalapit kung nababastos.
Aminado ang konsehal na marami pang dapat na malaman hinggil sa ordinansang ito lalo na ngayong magiging matao na naman sa lungsod dahil sa pagbubukas ng klase na magsisimula sa Hulyo 29.