Dengue vaccine – pino-proseso na

Kinumpirma ni Department of Health Secretary Ted Herbosa na merong pino-prosesong bagong dengue vaccine ang Food and Drug Administration.

Sa press briefing sa Malacañang, tumanggi pa si Herbosa na ibigay ang brand ng bakuna, pero mula raw ito sa Japan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Maaalalang naging kontrobersyal ang naunang dengue vaccine noon na dengvaxia dahil sa ilang insidente ng pagkamatay ng mga nabigyan ng naturang bakuna.

Sa ngayon inaantay pa ng DOH kung mabibigyan ng FDA ng Certificate of Product Registration ang bagong dengue vaccine.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ipinaliwanag naman ng kalihim na sa oras na maaprobahan ito at nais iimplementa ng pamahalaan, dadaan muna ito sa national immunization and technical advisory group ng DOH at sa Health Technology Assessment Council na nasa ilalim naman ng DOST.