Dengue cases sa bansa, tumaas ng 68%

Iniulat ng Department of Health (DOH) na lumubo na sa 208,965 ang kaso ng dengue sa Pilipinas hanggang nitong katapusan ng Agosto.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, 68% ang itinaas ng kaso na naitala ng kanilang epidemiology bureau mula noong January 2024 hanggang nitong Agosto, kumpara sa datos sa kaparehong buwan noong 2023.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dahil sa pagsipa ng kaso ng dengue, marami na anyang mga LGU ang nag deklara ng state of calamity para magamit ang kanilang calamity funds dahil punuan na ang mga pagamutan at nagkakaubusan na ng dugo.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ilan sa mga lugar na nakapag tala ng pinaka maraming kaso ng dengue ay ang Region III, Region IV-A at Region VII.

Bumili na rin daw ang DOH ng mga adulticide, insecticide at larvicide at nasa kanilang mga regional offices upang ipamahagi sa mga LGU na magagamit sa fogging activity.