Risa sa PNP chief na POGO protector: ‘nakakikilabot’

Nakakakilabot kung ilarawan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang umuugong na balitang mayroong dating hepe ng Philippine National Police ang tila tumulong sa pagtakas ni Alice Guo sa Pilipinas.

Anya kung totoo man ito, ibig sabihin umabot na sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno ang POGO money.

Ayon sa senadora, bilang mataas na opisyales ay mandato ng mga ito na protektahan ang kapayapaan ng lipunan at hindi para magsilbing instrumento ng paglaganap ng krimen.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Dagdag pa niya, kung hindi ito mapipigilan ay maaring maging bankrolled ng nasabing pera ang mga susunod na presidente, mambabatas at lider ng lokal na pamahalaan.

Kung kaya’t bilang mambabatas, tiniyak ni Hontiveros na hindi nila papahintulutan na mangyari ito at maging pugad ng masasamang loob at playground ng pugante ang bansa.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sabi ni Hontiveros – dapat lang mapanagot ang taong nasa likod nito kung sakali mang totoo ito.

Matatandaan, matapos ang ulat tungkol dito, humingi ng agarang pagberepika si dating PNP Chief, Senador Ronald Bato dela Rosa kung sino ito bagamat tumanggi muna ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na pangalanan ito bagamat tiniyak ng mga ito na hindi si Dela Rosa ang kanilang tinutukoy.