Del Gallego PNP nilinaw na hindi na kailangan ng rapid antigen test ng mga APOR upang makapasok sa Camarines Sur

NAGA CITY—Nilinaw ng Del Gallego Municipal Police Station na hindi na kailangan pang magpresenta ng Rapid Antigen test result ng mga Authorized Person Outside of Residence o APOR sa pagpasok nila sa border ng Camarines Sur.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni PCPL Edward Protacio, Operation PNCO ng Del Gallego MPS.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kung noong mga nakaraang linggo ay isinasailalim sa antigen testing ang lahat ng APOR na pumapasok sa probinsya subalit dahil nga sa bagong kautusan ng Provincial LGU, ayon kay Protacio, ay hindi na required ang Rapid Antigen test sa mga APOR na papasok ng lalawigan basta may maipresenta lang na company ID, travel order at itinerary.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Samantala, kung hindi naman APOR, kailangan ang Valid ID na magpapatunay na residente sila ng Camarines Sur at Medical Certificate na nagpapakita na sila ay negatibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR test result na isinagawa dalawang arawo 48 oras mula sa petsa ng pag-uwi o pagdating nito sa lalawigan.