Ilang kongresista pinagbibitiw sa puwesto si DOH Sec. Duque

Sa hindi na mabilang na pagkakataon, muli na namang hinimok ng ilang Kongresista si Health Secretary Francisco Duque na magbitiw na sa puwesto.

Ito ay sa gitna ng bagong Commission on Audit report na mayroong mga deficiencies sa paghawak at paggamit ng pondo sa COVID-19 response ng bansa.

Ayon sa ilang militanteng Kongresista, nakakapagtakang mayroong malaking deficiency sa pondo sa kabila ng pagsasabi ng pamahalaan na wala nang sapat na pondo.

Read More:  DSWD denies free aircon claims for 4Ps members

Sinabi ni Bayan Muna Partylist Representative Eufemia Cullamat na dapat nang mag-resign ni Duque sa puwesto dahil masyadong lantaran na ang korapsyon at kapabayaan niya sa kanyang hinahawakang departamento.

Inihayag pa ng mambabatas na mistulang nawala nang parang bula ang pondo ng bayan sa halip na nagamit ito sa pagtugon sa pandemya gaya ng pagtutok sa bakuna kontra COVID-19 at pagpapaganda sa mga ospital at iba pang health facilities.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Dagdag pa ng mambabatas na nakakadagdag pa sa pagdududa sa DOH ang mababang suweldo at delayed na hazzard pay.