DBM, planong ilabas ang fuel subsidy ngayong linggo o sa susunod

Pinoproseso na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng pondo para sa fuel subsidies ng public trasport utility vehicles at para sa mga sektor sa agrikultura.

Ayon kay DBM officer-in-charge Undersecretary Tina Rose Canda, inaasahan na nila na ngayong lingo o sa maagang bahagi ng susunod na linggo na mailalabas ang pondo.

Sa ilalim ng 2022 budget, ay nasa P2.5 billion ang alokasyon para sa Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Meron naman P500 million na budget ang Department of Agriculture para sa diskwento sa langis ng mga magsasaka at mangingisda na may mga indibidwal na pag-aari, o nag-ooperate ng agricultural at fishery machinery o nag-ooperate nito sa pamamagitan ng farmers organization o cooperative.

Gayunman, maari lamang mailabas ang mga nabanggit na pondo kung aabot ang presyo ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan sa average na $80 per barrel o higit pa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ibig sabihin ay kailangan pa ang datos sa buong Marso para malaman ang three-month average ng Dubai crude oil.

Para malusutan ang three-month rule, ay sinabi ni Canda na gumawa ang Department of Energy ng adjustments para maisama ang December crude oil price data.