Pagsuspinde ng fuel excise tax, magkakaroon ng epekto sa mga social services ayon sa DBM

Hindi pabor ang Department of Budget and Management sa mga proposals para sa suspensyon ng pagkolekta ng excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Nagbabala ang ahensya na magiging counterproductive lamang ang nasabing hakbang.

Ayon kay DBM officer-in-charge Tina Rose Canda, na bagamat makakabenepisyo ang mga sektor ng transportasyon at agrikultura sa pagsususpinde ng excise tax sa langis, ay marami naman itong matatamaan na iba pang social services.

Read More:  VP Sara Duterte camp slams Ramil Madriaga as liar in perjury case

Sinabi ni Canda na maaring mawalan ng pondo ang gobyerno para sa K-12, habang maapektuhan naman ang health facilities at medical assistance ng Department of Health.

Dagdag ni Candaa, makakaapekto rin ang pag-alis ng excise taxes sa ayuda na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga indibidwal na nasa ilalim ng krisis.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Kamakailan ay nagpahayag ng suporta ang maraming mambabatas para sa suspensyon ng excise tax at pagbibigay ng agarang tulong sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis na naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.