Mga nago-overcharge na jeepney drivers at operators, pagmumultahin – LTFRB

Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga operators at drivers na dapat nilang panatilihin sa P9 ang minimum fare sa jeepneys habang wala pang desisyon sa mga petisyon ng transport groups.

Inihayag ito ng LTFRB sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, maaring pagmultahin ang mga tsuper o operators na mahuhuling nago-overcharge sa kanilang mga pasahero.

Ipinunto ni Cassion na sa kasalukuyang guidelines ay pwedeng mapatawan ng P5,000 na multa sa first offense ang mga operators at drivers na mahuhuli na sobra-sobrang maningil ng pamasahe kumpara sa fare matrix nito.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nasa P10,000 naman ang multa sa second offense, at P15,000 at posibleng suspensyon at kanselasyon ng prangkisa sa third offense.

Mababatid na nasa P3 at P5 na taas pasahe ang mga nakapetisyon ngayon sa LTFRB.