Binigyang diin ng Department of Budget and Management (DBM) na walang katotohanan umano ang ikinakalat na 30 milyong Pilipino ang mawawalan ng membership sa PhilHealth.
Paliwanag ng DBM ‘fake news’ ang impormasyon na ikinalat ng Medical Action Group sa social media.
Ayon sa ahensya, wala itong kapangyarihan na basta-basta aalisin ang PhilHealth coverage na nakabatay din sa itinakdang General Appropriations Act (GAA).
Dagdag pa ng DBM, dahil sa insidenteng ito ay nagdudulot ng pangamba ang publiko.
Kasalukuyan nang komukunsulta ang DBM sa kanilang legal team para sa posibleng askyon sa naturang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Samantala, inabisuhan na ng ahensya ang publiko na tiyakin muna ang mga balitang lumalabas sa social media at huwag agad maniniwala sa mga hindi beripikadong ulat.