Dating PRRD: ‘di na dapat baguhin pa ang Konstitusyon

Idiniin ni dating pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay makuntento na sa isang termino ang mga opisyal ng Gobyerno.

Ito ang pinanindigan ni Duterte sa prayer rally kagabi sa Cebu kung saan sinabi niyang dapat ay kumporable na ang isang pangulo na manungkulan sa loob ng anim na taon.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Hinikayat niya ang Gobyerno na huwag na raw baguhin pa ang Konstitusyon at maghangad pa ng karagdagang termino.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila nito – pabor naman daw siya sa pag-amioyenda sa economic provisions basta ba’t di na pahahabaan pa ang termino ng kasalukuyang Pangulo.

Matatandaang sa ilalim ngkaniyang adminsitrasyon – isinulong din niya ang pagbabago ng Gobyerno sa papunta sa pedaralismo.