Senate Committee on Labor – handang i-adopt ang daily wage increase

Binigyang-diin ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, Chairperson, Senador Jinggoy Estrada na handa siyang i-adopt ang itinutulak na mas malaking halagang dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa ng Kongreso kung ito ay sosobra sa P100.

Ito ay matapos ibahagi kahapon ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na hindi pa rin sapat para sa mga pangangailangan ng mga manggagawa ang naaprubahan na P100 daily wage hike bill sa Senado kung kaya’t mungkahi nilang itaas ito sa P150 hanggang P350.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaugnay nito, ikinatuwa ni Senador Chiz Escudero ang tila pag-move forward nito para sa mga manggagawang Pilipino at Kamara.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa niya, matagal na siyang tiwala na mayroon pa rin silang mapagkakasunduan ng Kongreso para sa ikabubuti ng bansa at taumbayan, sa kabila ng kanilang naunang bangayan.