Gumamit ng ng artificial intelligence ang dating prime minister ng Pakistan na si Imran Khan upang mangampanya habang nasa kulungan.
Gamit ang AI, nakapaglikha ito ng “voice clone” na nagbigay ng mapusok na talumpati para kay Khan.
Na-dub ang text sa audio gamit ang isang AI tool mula sa ElevenLabs na ipinagmamalaki ang kakayahang lumikha ng isang “voice clone” mula sa mga nagdaan nitong talumpati.
Maalalang nakulong si Khan noong Agosto dahil sa paglabas ng mga classified na dokumento at mga paratang na aniya ay gawa-gawa lamang para pigilan siya sa pagsabak sa muli halalan sa darating na Pebrero.
PHOTO CREDITS: REUTERS
