Napanalo ni Carl Jammes Martin ang titulong WBO global super bantamweight matapos patumbahin ang Thai veteran na si Chaiwat Buatkrathok kagabi sa Elorde Sports Center.
Naging mabagal ngunit tiyak na pinagsamantalahan ni Martin si Buatkrathok sa pamamagitan ng kanyang mga suntok sa katawan mula sa Rounds 2-4.
Dumating ang pagtatapos sa 28 segundo lamang ng Round 6 nang nag-convert sa isang kanang uppercut si Martin upang ganap na maitumba ang kanyang kalaban.
Nananatiling undefeated si Martin sa kanyang ika-23 panalo sa mga nagdaan nitong laban, matapos niyang maitala ang ika-18 knockout na panalo.
PHOTO COURTESY: Carl Jammes Martin (Facebook)
