Transport strike sa Maynila, bigong naparalisa – MTPB

Magtutuloy-tuloy ang pag-oobserba ng lokal na pamahalaan ng Maynila kaugnay sa isinagawang dalawang linggong extended transport strike ng grupong PISTON at Manibela.

Ayon kay Wilson Chan ang hepe ng Operations ng Manila Traffic and Parking Bureau, kahit sumama ang grupong PISTON sa strike ay hindi pa rin kayang iparalisa ang biyahe sa lungsod.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Tukoy na rin aniya nila kung aling mga ruta ang mga apektado gaya ng Guadalupe – Leon Ginto, Pasig – Quiapo, San  Juan – Divisoria, at Paco – Rotonda.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dagdag pa ni Chan, may mga nakastanby naman silang libreng sakay para mabilis na maihatid ang mga apektadong pasahero.