Daniel Padilla, kinumpirma na may binubuong series at pelikula para sa kanila ni Kathryn Bernardo

Kinumpirma ni Daniel Padilla na may series na niluluto para sa kanila ng kaniyang reel at real-life partner na si Kathryn Bernardo.

Isiniwalat rin ng aktor na bibida rin sila ni Kathryn sa isang pelikula.

Ayon kay Daniel, meron silang dadaluhan na pagpupulong na gagawin sa mga darating na panahon.

Ibinahagi ng aktor ang mga nakapila nitong mga proyekto sa isang panayam na kasama si Boy Abunda.

Ang nasabing interview rin ang nagsisilbi bilang unang episode ng “The Purple Chair” series ng host sa Youtube

Kung maalala ay unang nagbigay ng patikim ang ABS-CBN kaugnay sa upcoming series nito, kung saan ay may linyahan ito na, “Kaya mo bang ipaglaban ang inyong pag-ibig kung galing kayo sa magkaibang panahon?”