PRRD, pinuri ang China at DPWH para sa pagkakatapos ng Estrella-Pantaleon Bridge

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China at ang Department of Public Works and Highways matapos makumpleto ang EDSA-Pantaleon bridge na pinondohan ng Beijing.

Sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati para sa inagurasyon ng naturang proyekto na naglabas ang China ng P1.46-billion para sa 506.46-meter na tulay, na magkokonekta sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon sa Punong Ehektuibo, hindi maituturing na bahagi ng kaniyang trabaho ang naturang proyekto, dahil ang ginamit rito ay pera ng mga tao, at ng People’s Republic of China.

Iginiit rin ng Pangulo na ang DPWH at ang mga tauhan nito na naghirap sa pagbuo ng tulay ang dapat na purihin para sa naturang proyekto.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Naniniwala naman ang Pangulo na ang pagpopondo ng China sa tulay ay malinaw na nagpapakita sa magandang hangarin ng mga Chinese at ng gobyerno nito na lalong magpapatibay sa magandang relasyon ng dalawang bansa.