Palasyo, tiniyak na may pondo para sa COVID-19 booster shots para sa lahat ng mga Pilipino sa 2022 budget

Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo ng gobyerno para bilhin ang ikatlong COVID-19 doses para sa lahat sakaling kailanganin ito ng mga Pilipino sa 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na one-step ahead ang gobyerno.

Ipinunto niya na sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, na isinama na sa proposed 2022 budget ang probisyon sa third dose para sa lahat ng mga Pilipino.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Dagdag ni Roque, magmumula ang pondo sa P41-billion na makukuha ng gobyerno sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation, na naipong halaga ng excise tax mula noong 2012 para sa importasyon ng alkylate.

Ipinaliwanag niya na sinabi ng Shell na hindi ito dapat magbayad ng excise tax dahil ang alkylate ay hindi unleaded gasoline.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Pero sinabi ni Roque na nanindigan ang gobyerno na ang alkylate ay ibang pangalan lamang para sa unleaded gasoline.

Inihayag rin ni Roque na lumobo sa P41-billion ang pagkakautang ng Shell mula sa P3-4 billion dahil naisama na sa halaga ang mga penalties at interes.