Danao ipinag-utos ang inspection sa mga ammunition storage facility ng PNP

Ipinag-utos ngayon ni Philippine National Police – OIC Chief Gen. Vicente Danao ang mahigpit na inspection sa mga ammunition storage facility ng PNP.

Ito ay matapos ang nangyaring sunog sa imbakan ng bala at mga pampasabog ng Philippine Army sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen Val de Leon, naglabas ng mandato si Danao sa lahat ng Regional Directors at concerned unit commanders na tiyaking ligtas ang lahat ng mga ammunition storage facilities sa bansa.

Bilang dating hepe ng Firearms and exclusive office sinabi ni de Leon na lubhang mapanganib ang mga imbakan ng bala lalo kapag mainit ang panahon at temperatura kaya dapat maging maingat sa pagbabantay dito.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Ganitong pag-iingat din ang pinapagawa ng PNP official sa mga evidence storage facility dahil mayroon mga baril at bala din nakaimbak dito na ginagamit bilang ebedensiya sa mga kasong hawak ng kapulisan.