‘No permit, no rally policy’ ipapatupad sa unang SONA ni PBBM

Inaasahan ng National Capital Region Police Office na dadagsain ng mga raliyesta ang unang State Of the Nation Address ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa darating na Hulyo 25.

Ayon kay NCRPO Chief PGen. Felipe Natividad dahil sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng bagong administrasyon posibleng samantalahin ito ng ibat’-ibang grupo para magsagawa ng mga kilos-protesta.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Dagdag pa ni Natividad parehong security template na ginamit nila noong inagusayon ni Marcos Jr. ang gagamitin nila sa unang SONA nito.

Kabilang sa muling ipapatupad ng NCRPO ang ‘no permit no rally policy’ upang mapigilan ang mga kilos-protesta sa mga kalsada.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Papayagan lamang umano ang mga rally sa mga freedom park kung saan maaari itong magtipon-tipon kahit walang permit.

Samantala inaasahang aabot sa 15,000 security forces at force multipliers ang magtitiyak sa seguridad sa unang SONA ni Pangulong Marcos.