Bill para ipagpaliban sa October 2023 ang barangay election, inihain sa Kamara

Isinulong ng isang mambabatas sa Kamara na maipagpaliban ang Barangay at SK Election na nakatakdang ganapin sa December 5 ngayon taon.

Sa inihaing House Bill 1367 ni Davao Oriental Chino Miguel Almario nais nitong ipostpone ang Barangay at SK election papuntang Octubre 9, 2023.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Paliwang ni Almario ito ay upang magkaroon ng mahabang panahon ang ang ating bansa na makarekober mula sa pandemic.

Imbes na gastusin sa halalan sinabi ng kongresista na gamitin na lamang ang pondo para sa election sa mga programang makakatulong para labanan ang pandemic.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Magkakaroon din umano ng pagkakataon ng paghilom sa mga sugat na idinulot ng katatapos pa lamang na National election.

Habang wala pang eleksiyon ipinanukala ni Almario na manatiling sa pwesto ang mga incumbent barangay officials maliban na lamang kung ito ay natanggal o nasuspendi sa pwesto.