Dalawang tauhan ng MMDA na nagbibigay ng security escort, arestado dahil sa paggamit ng police markings sa motorsiklo

Arestado ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group-National Capital Region ang dalawang tauhan ng MMDA.

Ito’ dahil sa pagbibigay ng security escort gamit ang “Police” at “Master Rider’s badge” markings sa kanilang mga motorsiklo.

Ayon kay HPG NCR director PCol Neil Francia, nahuli ang 2 kahapon sa kanilang operasyon na “Oplan Wastong Hagad” sa Diokno Avenue sa Paranaque City.

Pinapara kasi nila ang lahat ng gumagamit ng mga blinker.

Sa kanilang pagtatanong, napaglaman na hindi naman pulis ang 2 escort kundi mga tauhan pala ng MMDA.

Paliwanag naman ni Francia, awtorisado ang pag-e-escort sa mga pulitiko pero ang bawal ay ang paggamit ng police markings kung hindi naman pulis.

Mahaharap ang mga nahuli sa paglabag sa Usurpation of Authority at illegal use of uniform or insignia.

Nasa kustodiya na ng HPG NCR sa Camp Crame ang 2 tauhan ng MMDA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *