DedEd – pinabulaanang alas-tres ng madaling araw isinagawa ang isang moving up sa Cebu

Nilinaw ng Department of Education – Central Visayas na walang katotohanan ang isang moving up ceremony sa Lapu-lapu City sa Cebu kung saan ay idinaos daw ito ng alas-tres ng madaling araw.

Una na kasing naging viral sa social media ang isang post kung saan ay gising na raw ang mga estudyante ng ala-una, ‘o alas-dos ng madaling araw.

Ayon sa DepEd-VII, hindi ito posible lalo na’t alas-singko pa sila maaring magprograma doon.

Alas-singko raw ang processional, habang ang program proper ay nag-umpisa ng alas-sais ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *