Dahican Elementary School sa Jose Panganiban gagawin nang ganap na Integrated School

CAMARINES NORTE- Sa pinagsanib na proyekto ng LGU Jose Panganiban at DEPED ay gagawing isang ganap na Integrated School (IS) ang Dahican Elementary School

Ito ay matapos ang isinagawang pagpupulong nitong nakatalikod na linggo sa  pagitan nina Mayor Ariel M. Non at SDS Nympha Guemo

Ang IS ay isang paaralang nag-aalok ng edukasyon para sa kindergarten, elementary at junior high school na maaari ring mapalawak hanggang senior high school.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nangangahulugan na hindi na kailangan pang tumungo ng Larap o Jose Panganiban National High School ang mga mag-aaral upang makapag-enrol ng sekondarya.

Nagbaba na ng direktiba si Mayor Non sa Municipal Engineering Office upang magsagawa ng inspeksyon para sa pagpapa-ayos ng limang classroom na natukoy bilang dagdag na pasilidad para sa IS.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tinatayang nasa 50 hanggang 100 estudyante mula sa mga barangay ng Dahican, Dayhagan, Salvacion, mga sitio ng Ulipanan at Tabadyak, at maging mga karatig barangay sa Capalonga ang inaasahang makikinabang sa proyektong ito.

Nakalinya na rin ang iba pang elementary school na planong gawing integrated school sa bayan ng Jose Panganiban

© Public information Office- Jose Panganiban